Nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) na ang pagkakaloob nila ng “compassionate use” ng Ivermectin sa isang ospital ay “eligible”.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, nakapagpasa ang naturang ospital ng kumpletong requirements para sa Compassionate Special Permit (CSP).
Paliwanag pa ni Domingo, ang isang doktor o ospital ay pwedeng humiling ng CSP kung hindi available ang gamot sa Pilipinas pero rehistrado at mayroon sa ibang bansa, o kung sumasailalim ang gamot clinical trial treatment para sa ilang sakit tulad ng COVID-19.
Paglilinaw ni Domingo, ang CSP ay hindi isang registration o marketing authorization.
Hindi rin isasapubliko ng FDA ang ospital na binigyan ng special permit para sa Ivermectin para na rin sa privacy ng mga pasyente.