Ospital ng Makati, pinaiiwas muna ang mga pasyente sa Outpatient Department; Confirmed COVID-19 cases sa lungsod, pumalo na sa 846

Nanawagan ang Ospital ng Makati sa mga residente na iwasan muna ngayon ang Outpatient Department ng pagamutan.

Ayon sa pamunuan ng ospital, ito ay para maiiwas na rin sa pagkalat ng COVID-19 ang mga pasyente at mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente.

Pinayuhan ang mga outpatient na tumawag muna sa OsMak mula alas-otso hanggang alas 4:30 ng hapon.


Sakali mang may appointment na ang OPD patient ay mismong doktor o medical staff ang tatawag sa pasyente.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 846 ang total confirmed COVID-19 cases sa Makati City.

Facebook Comments