Ospital ng Muntinlupa, nag-abiso sa mahabang paghihintay sa mga pasyenteng magpapa-admit

Nag-abiso ang pamunuan ng Ospital ng Muntinlupa sa mga pasyenteng may emergency cases na dadalhin sa kanila na makararanas sila ng matagal na paghihintay.

Ito ay dahil sa punuan na ang nasabing ospital bunga ng sobrang dami ng COVID-19 patients na naka-confine sa kanila.

Ayon sa nasabing ospital, sa ngayon ay 111% na ang kanilang bed occupancy kung saan 144 ang COVID patients na naka-admit.


17 na mga pasyente naman ang naka-admit sa kanilang Intensive Care Units (ICU) at ang kanilang COVID ICU occupancy ay nasa 142% na.

Tiniyak naman ng pamunuan ng Ospital ng Muntinlupa na gumagawa na sila ng paraan para madagdagan ang kanilang bed capacity sa pamamaraan na hindi malalagay sa panganib ang kalusugan ng kanilang non-COVID patients at maging ang kanilang medical frontliners.

Facebook Comments