Ospital ng Sampaloc, kumikilos na sa pagtaas ng bilang ng mga pasyenteng may COVID-19

Gumawa na ng kaukulang hakbang ang pamunuan ng Ospital ng Sampaloc para matugunan ang pagtaas ng bilang ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

Nabatid kasi sa inilabas na datos ng Manila Health Department na umabot na sa 34 ang mga pasyente ng nasabing ospital kumpara sa 30 bed capacity nito para sa mga tinamaan ng virus.

Ayon kay Dr. Aileen Lacsamana, Medical Director ng Ospital ng Sampaloc, dinagdagan nila ang COVID-19 emergency room para matugunan ang mga papasok na pasyente na nahawaan ng virus.


Bukod dito, agad din nilang nabigyan ng kaukulang atensyong medikal ang mga pasyente.

Nirepaso na rin ang kanilang patakaran para agad na makapagdesisyon kung ang pasyente na may sintomas ay hindi kailangan maospital o kaya ay dadalhin na lamang sa Manila COVID-19 Field Hospital.

Sinabi pa ni Dr. Lacsamana na binuksan na rin nila ang bagong intensive care unit (ICU) ng Ospital ng Sampaloc para sa mga naka-admit na pasyente na nakararanas ng matinding sintomas ng sakit.

Naglagay rin ang ospital ng quarantine room sa loob nito na may 10 na kama para sa mga tauhan nito na tatamaan ng COVID-19 na pawang asymptomatic at makararanas ng mild symptoms.

Facebook Comments