Ospital ng Sampaloc sa Lungsod ng Maynila, pansamantalang isinara

Pansamantalang isinara sa publiko ang Ospital ng Sampaloc sa Lungsod ng Maynila base na din sa kautusan ni Mayor Isko Moreno.

Ito’y upang bigyan ng panahon ang doctors, nurses at iba pang healthcare workers/frontliners na makabawi sa pagkakasakit at maisagawa ang malawakan at masusing disinfection sa ospital.

Nabatid kasi na lima sa mga staff ng Ospital ng Sampaloc ang nag-positibo sa Coronavirus Disease o COVID-19.


Labing apat na doktor, walong nurse at pitong iba pang staff ng nasabing hospital ang naka-quarantine na din upang masigurong hindi na kakalat pa ang virus.

Ang mga pasyente naman sa Ospital ng Sampaloc na sumasailalim sa gamutan o nagpapagaling na ay ililipat ng ibang district hospital sa Lungsod habang ang iba ay posibleng na-discharged o papauwiin pa lamang ngayong araw.

Ang mga nais naman magpakonsulta sa Internal Medicine, Pedia, Obstetrics/Gynecology, Anesthesiology, Paanakan, at Medico-Legal Clearances ay maaaring gawin sa Ospital ng Maynila Medical Center, Justice Jose Abad Santos General Hospital at Ospital ng Tondo.

Facebook Comments