Manila, Philippines – Itinutulak sa Kamara na ilibre sa pagbabayad ng buwis ang overtime pay at ang night differential ng mga empleyado at manggagawa sa bansa.
Nais ni House Deputy Minority Leader Luis Campos Jr. na maisama ito sa tax reform package ng Duterte administration.
Lumiham na si Campos kay House Ways and Means Committee Chairman Dakila Cua para iparating ang kanyang suhestyon.
Ayon kay Campos, ang paglibre sa buwis sa ot at nd pay ng mga manggagawa ay mas magbibigay ng kabuluhan sa repormang ninanais ni Pangulong Duterte para gawing patas ang sistema ng pagbubuwis sa bansa.
Dahil nasa Ways and Means Committee pa ang tax reform package ng administrasyon, iginiit ng kongresista na kaya pang ihabol dito ang tax free OT at ND pay.
Ang OT pay ay 25-30 percent ng sahod ng isang empleyado na nagtrabaho ng sobra sa kanyang regular na duty samantalang ang nd pay naman ay 10 percent ng sahod ng manggagawa na naka duty sa gabi o graveyard shift.
RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila, Conde Batac
Facebook Comments