
Naaresto ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang isang Other Wanted Person o OWP para sa maraming counts ng Qualified Statutory Sexual Assault sa Davao Memorial Park, Matina, Davao City.
Ang naaresto ay isang lalaki, mid-30s, construction worker at nakatira rin sa nasabing lalawigan.
Siya ay nahuli sa bisa ng Warrants of Arrest para Qualified Statutory Sexual Assault na may 6 na counts na inisyu sa kanya ng Regional Trial Court, Branch 33 ng Davao City noong Nobyembre 28,2024.
Kung saan ito ay may rekomendang pyansa na nagkakahalaga ng 180,000 pesos sa bawat counts.
Sa ngayon ang nasabing naarestong indibidwal ay tinurn over sa Regional Highway Patrol Unit 11 Investigation Section para sa dokumentasyon at disposisyon.
Facebook Comments










