OTORIDAD, PINAALALAHANAN ANG PANGASINENSE UKOL SA KAHAHARAPING MALAWAKANG EPEKTO NG EL NINO

Muling pinaalalahanan ng otoridad ang mga Pangasinense ukol sa nararanasan at kahaharaping malawakang epekto ng El Nino na inaasahang magtatagal sa mga susunod na buwan at unang quarter ng taong 2024.
Bagamat may El Nino ay aasahan pa rin ang mga bagyong darating kaya naman mas pinapaigting ngayon ng mga line agencies ang kaugnay sa mga Disaster Preparedness or Readiness o mga kahandaan at hakbanging inihahanda ng bawat lokal na pamahalaan sa Pangasinan upang maging handa sa mga darating na mga kalamidad.
Inaasahan ding ito ay magdudulot ng negatibong banta hindi lamang sa mga pisikal na pangangatawan tulad ng Heat Stroke, mga heat cramps gayundin ang epekto sa sa sektor ng agrikultura, sa suplay ng kuryente at tubig.

Samantala, mainam ang ilang mga health tips sa nararanasang panahon ngayon tulad ng pagbabad sa mga preskong lugar, pag-iwas sa mga matinding physical activities, pagdala ng mga panagga o pamproteksyon sa init tulad ng payong, sumbrero at pamaypay at ang pag-inom ng nasa walo hanggang sampung baso ng tubig. |ifmnews
Facebook Comments