Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, nakapwesto na at rumuronda na sa loob at labas ng simbahan ang mga otoridad upang bantayan ang tradisyunal na pagdaraos ng Simbang Gabi na nagsisimula ng alas-kuwatro ng madaling-araw.
Ayon kay Chief Pilarito ‘Pitok’ Mallillin ng POSD, ikakalat umano nito ang lahat ng kaniyang mga tauhan upang magmando ng daloy ng trapiko.
Ganun din ang PNP Cauayan, upang kung sakaling umanong mayroong maganap na insidente ay mabilis lamang silang makikita ng mga mamamayan na nangangailangan ng tulong.
Ayon pa kay hepe, nakataas na sa full alert ang ahensya katuwang ang PNP sa pag-arangkada ng Simbang Gabi.
Ang tradisyunal na siyam na araw na Simbang Gabi ay magsisimula sa Disyembre 16 at matatapos ng Disyembre 24 kaya inatasan ni Estomo ang maximum police visibility sa mga simbahan na dadalo sa Misa de Gallo.