
Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Department of Transportation (DOTr) sa umano’y sabwatan ng mga taxi driver at airport police sa 60/40 extortion scheme o pag-o-overcharge sa mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport.
Sa Malacanang press briefing, inanunsyo ni DOTr Secretary Vince Dizon napapangunahan ni Office for Transportation Security (OTS) administrator Arthur Bisnar ang imbestigasyon tungkol dito.
Ayon kay Dizon, sa pinakahuling datos ngayong araw ay nasa 11 na nahuling taxi na nag-o-overcharge sa NAIA at limang airport police ang sinibak sa pwesto.
Sinuspinde na aniya ang lahat ng mga taxi ito habang pinag-aaralan na ring suspendihin ang lisensya ng mga driver.
Samantala, nakikipag-ugnayan na ang DOTr sa bagong operator ng NAIA para gumawa nang mas maayos at transparent na sistema sa paliparan.









