Nagbitiw na sa pwesto si Office of Transportation Security (OTS) Administrator Ma. O Aplasca.
Ito ay isang araw matapos siyang hamunin ni House Speaker Martin Romualdez na mag-resign at kung hindi ay haharangin ang panukalang budget ng OTS at ng Department of Transportation.
Sa kaniyang sulat na ipinadala kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nilinis ni Aplasca ang pangalan at iginiit na wala siyang anumang maling ginawa habang nasa ahensiya.
Pinagbibitiw ni Romualdez si Aplasca dahil sa umano’y pagkabigo nitong tapusin ang problema sa katiwalian ng mga tauhan ng Office of Transportation Security.
Nitong ika-walo ng Setyembre, isang tauhan ng OTS ang nag-viral matapos mahuli sa CCTV na nilulunok ang ninakaw na 300 dollars mula sa pasahero sa Ninoy Aquino International Airport.
Itinanggi naman ng tauhan ang alegasyon at sinabing tsokolate raw ang kaniyang kinakain.