OTS Administrator, pumalag sa hamon na resignation ni Speaker Congressman Martin Romualdez

Hindi nagustuhan ni Office for Transportation Security (OTS) Administrator Undersecretary Ma. O Aplasca ang hamon sa kanya ni House Speaker Congressman Martin Romualdez na mag-resign sa pwesto.

Sa harap ito ng sunud-sunod na nakawan sa airport na kinasasangkutan ng OTS security screening officers.

Ayon kay Aplasca, mali na siya pa ang aatakehin ngayon gayung siya aniya ang nag-iimbestiga sa mga katiwalian sa kanilang hanay.


Sinabi ni Aplasca na nagpapatuloy ngayon ang kanilang imbestigasyon sa OTS screener na sumubo ng 300 dollars na kinuha sa pasaherong Chinese at mali aniya na mauuna pa siyang mawawala sa OTS.

Una nang inamin ni Aplasca na malabong magwakas ang nakawan sa airport dahil nasa OTS pa aniya ang “core” ng mga katiwalian sa kanilang hanay.

Facebook Comments