OTS chief, aminadong malabo pang magwakas ang nakawan sa airport

Courtesy: MIAA

Aminado si Office for Transportation Security (OTS) Chief Ma.O Aplasca na hindi pa matatapos ang nakawan sa airport.

Ayon kay Aplasca, nananatili pa rin kasi ang “core” ng mga nakawan sa kanilang hanay.

Sa kabila nito, tiniyak ni Aplasca na mas madali na ngayon na mahuhuli ang mga tiwali nilang tauhan.


Aniya, kumuha na kasi sila ng mga bagong tauhan na magbabantay sa OTS personnel na gumagawa ng katiwalian.

Una nang nag-viral ang video ng 28 anyos na babaeng OTS security screener habang sinusubo nito ang $300 na kinuha sa dayuhang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Facebook Comments