OTS, dumepensa sa pagpapatanggal ng sapatos sa mga pasahero sa final security screening

Dumepensa ang Office for Transportation Security o OTS sa pag-alma ng ilan sa pagpapatanggal ng sapatos sa mga pasahero sa final security screening sa mga paliparan sa bansa.

Ayon kay OTS Administrator Usec. Mao Aplasca, bahagi ito ng security policy at procedures kung saan ang mga pasahero ay kailangan magtanggal ng sapatos sa tuwing dadaan sa final security checkpoint.

Iginiit din ni Aplasca na matagal na itong patakaran at kailangan ang mahigpit na pagpapatupad para matiyak ang seguridad sa mahahalagang pasilidad ng transportasyon tulad ng mga paliparan.


Sa kabilang dako, sinabi ni Aplasca na sinisikap naman ng OTS na gawing balanse at maginhawa ang mga pasahero sa kanilang paglalakbay matapos na alisin na ang initial screening sa mga entrance ng paliparan.

Facebook Comments