OTS, hiniling sa airline companies na magpatupad ng mahigpit na seguridad kasunod ng Marawi bombing

Hiniling ng Office for Transportation Security (OTS) sa air carriers na magpatupad ng mahigpit na seguridad para matiyak ang proteksyon ng publiko.

Kasunod ito ng nangyaring pagsabog sa Marawi City.

Maging ang seaports, mga barko, bus terminal operators, railways, at toll operators ay inalerto rin ng OTS.


Pinapayuhan din ni OTS Officer-In-Charge Asec. Jose Briones Jr., ang publiko na maging alerto at mapagmasid sa paligid.

Tiniyak naman ng airline companies na agad silang nagpatupad ng mas mahigpit na seguridad.

Facebook Comments