OTS: PBBM, hindi misinformed sa tunay na kalagayan ng PUV Modernization program

Pinabulaanan ng Office of Transportation Security (OTS) ang impormasyon na misinformed umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaugnay sa PUV Modernization program sa bansa.

Ito ay kasunod ng pahayag ng ilang transport group na hindi aware si Pangulong Marcos sa kalagayan ng PUV Modernization.

Sa Malacanang press briefing, sinabi ni OTS Chairperson Jesus Ferdinand Ortega na updated umano si Pangulong Marcos sa sitwasyon ng mga tsuper at operators.


Updated din aniya ang binigay nilang listahan, kung saan nakalagay lahat ng datos mapa-nationwide, per mode, o sa kada rehiyon.

Sa katunayan pa nga ay nakita nila sa mga mata ng pangulo na kumpiyansa ito tungkol sa programa.

Dagdag pa ni Ortega, naninindigan rin si Pangulong Marcos sa desisyong hindi na palalawigin ang consolidations para sa PUVs.

Kasabay nito ay inatasan din aniya sila ni Pangulong Marcos na tulungan pa ang mga kooperatibang nakatutok sa PUV modernization.

Facebook Comments