Caloocan City – Nagsagawa ng “door-to-door” campaign ang Otso Diretso na kowalisyon ng oposisyon sa Caloocan City.
Ito ay kasabay ng unang araw ng campaign period kahapon.
Sa misa ng partido, dinaluhan ito nina dating Pangulong Noynoy Aquino, Senator Antonio Trillanes IV at Vice President Leni Robredo.
Ikinampanya nila ang kanilang pambato na sina Magdalo Representative Gary Alejano, Atty. Chel Diokno, Atty. Romulo Macalintal, dating Congressman Erin tañada, dating Solicitor General Florin Hilbay, Marawi Civil leader na si Samira Gutoc at Senator Bam Aquino.
Hiwalay na nangampanya si dating DILG Secretary Mar Roxas kung saan nagsimula siya sa kanyang home province na Capiz.
Kabilang sa kanilang isusulong ang mga adbokasiya kaugnay ng West Philippines Sea (WPS), extrajudicial killings o EJK at dagdag diskwento sa senior citizens.
Samantala, magkakaroon ng proclamation rally ngayong araw ang Otso Diretso sa hometown ni Robredo sa Naga City.