Otso Diretso, puro daldal lang – PRRD

Sinupalpal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang opposition senatorial candidates kahit tapos na ang eleksyon.

Sa kanyang talumpati sa Filipino community sa Tokyo, Japan –  iginiit ng Pangulo na puro salita lamang ang mga natalong kandidato.

Kasabay nito, pinuri ng Pangulo ang credentials ni incoming Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.


Nabatid na siyam mula sa 12 senate seats na binuksan nitong midterm elections ay nakuha ng mga kandidatong sinuportahan ng Pangulo habang ang natitira ay nakuha ng mga independent candidates.

Una nang tiniyak ni Senate President Tito Sotto III na mananatiling independent ang Senado.

Facebook Comments