Oust Duterte Matrix, hindi dapat agad isinapubliko

Para kay Senator Panfilo Ping Lacson, mali na agad isinapubliko ng malakanyang ang matrix kaugnay sa tangka umanong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Sabi ni Lacson, hindi ito patas para sa mga kasama sa matrix na kinabibilangan ng ilang media organization at si alyas bikoy.

 

Ipinunto pa ni Lacson ang pag-amin ng malakanyang na sa kanila din galing ang matrix.


 

Reaksyon ito ni Lacson sa pag-amin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi niya kilala ang pinanggalingan ng matrix at hind na rin sya nagsagawa ng validation bago niya ito inilabas.

Facebook Comments