Ousted civilian leader na si Aung San Suu Kyii, nakatakdang humarap sa korte

Nakatakdang humarap sa korte ang napatalsik na Myanmar Civilian Leader na si Aung San Suu Kyi matapos ang madugong protesta laban sa mga militar sa kanilang bansa.

Ayon kay Khin Maung Zaw , abogado ni Suu Kyi, hindi pa niya nakakausap ang kaniyang kliyente para pag-usapan ang nasabing pagdinig.

Aniya, hindi na patas ang desisyon ng korte kung saan hindi agad binigyan ng abogado si Suu Kyi simula nang ito ay arestuhin.


Sa huli, umaasa si Maung Zaw na pormal nang aaprubahan ng korte ang kaniyang estado bilang abogado ni Suu Kyi nang sa ganoon ay makaharap at makausap na niya ito.

Facebook Comments