Tiniyak ng hanay ng Philippine Army na sila makikilahok sa anumang ouster plot o planong pagpapatalsik sa Pangulo.
Ito ang sinabi ni Philippine Army Spokesperson Lieutenant Colonel Ramon Zagala matapos na mailathala ang matrix ng mga indibidwal na umano’y nagpakalat ng tinaguriang “Bikoy video” na bahagi ng isang tangkang pabagsakin ang Pangulo.
Ayon Kay Zagala, ang 97,000 na tauhan ng Philippine Army ay bahagi ng isang propesyonal na organisasyon na nanatiling tapat sa commander in chief, chain of command at sa konstitusyon.
Aniya ang “Bikoy video” ay pamumulitika lang at hindi nakikisawsaw ang Philippine Army sa pulitika.
Napatunayan na rin aniya sa nakalipas na panahon, tulad nang mangyari ang Oakwood mutiny na hindi magtatagumpay ang anumang “military adventurism”.
Una na ring pinabulaanan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang sinabi ni CPP founding Chair Jose Maria Sison na mayroong “growing dissatisfaction” sa Pangulo sa hanay ng AFP.