Ito ang unang batch ng New Agricultural related project “AGRI-SK” or AGRIKULTURANG SERBISYONG pangKABATAAN na inilunsad ng SK Council sa pangunguna ni Chairman Melvin Adorable katuwang si Dr. Junel B. Soriano ng DA at Brgy. Captain Fredie Peralta.
Nasa 120 native chicks ang naipamahagi ng libre sa mga nasabing bilang ng benepisyaryo.
Labis naman ang pasasalamat ni Adorable kay Soriano sa pagbibigay nito ng oportunidad at sa tagumpay ng kanilang proyekto.
Ang nasabing proyekto ay upang bigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na makipagsapalaran sa larangan ng agrikultura, kasabay nito ay upang makayanan nila na gumawa ng inobasyon sa panahon ng pandemya.
Hiling nito sa mga nakatanggap ng manok na alagaan at palaguin upang makapagbahagi rin sa mas maraming kabataan.
Tiniyak ni Adorable na may mga susunod pang batch na mabibiyayaan ng kanilang proyekto.