OUT PATIENT DEPARTMENT NG REGION 1 MEDICAL CENTER, ISASARA

Naglabas ng abiso ang Region 1 Medical Center, dito sa lungsod ng Dagupan na isasara simula Agosto 30 ang Out patient Department nito.

Ayon sa pamunuan ng hospital, ang pagsasara nito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19. Ang 120 bed capacity bg hospital sa covid-19 patients nito ay napuno na kung kaya’t isasagawa nila ang kanilang Surge Response A.

Seserbisyuhan ang mga pasyente ng OPD sa pamamagitan ng telemedicine consultation sa kanilang Facebook Account na R1MC e-Pacheck-up at R1MC OPD pages.


Kung sakali mang pumalya ang Surge A Plan, isasagawa nito ang Surge B Plan kung saan isasara ang buong hospital at icoconvert na lamang ito bilang COVID-19 Hospital.

Facebook Comments