Out-Patient Services ng National Kidney and Transplant Institute sa QC, bukas sa panahon ng ECQ ayon sa institusyon

61

Mananatiling bukas at tuloy ang serbisyo ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) para sa mga Out-Patient sa buong panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ito ang inilabas na anunsyo ng NKTI kasunod ng nakatakdang pagpapatupad ng dalawang linggong lockdown sa National Capital Region (NCR) simula bukas.

Gayunman, ipinauubaya na ng NKTI sa mga doktor kung magbubukas ng kanilang pribadong klinika ang mga ito.


Sabi ng NKTI, susunod sila sa lahat ng ipinaiiral na safety health protocol kaya’t hinihikayat nila ang publiko na sumunod dito.

Facebook Comments