Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) na umakyat na sa mahigit 30 libo ang bilang ng mga pasahero na bumiyahe ngayong araw na ito sa iba’t-ibang mga pantalan sa bansa.
Ito ay batay sa tala ng Philippine Coast Guard (PCG) may kaugnayan sa kanilang Oplan Biyaheng Ayos: #Balik Eskuwela 2018 Monitoring.
Hanggang kaninang alas sais ng umaga ay nakapagtala ang PCG ng kabuuang 30,168 outbound passengers sa iba’t-ibang mga pantalan.
Kabilang sa mga ito ay sa
1. Central Visayas – 10,890 na pasahero
• Cebu – 9,209
• Tagbilaran – 1,681
2. Southern Tagalog – 6,085
• Batangas – 3,440
• Oriental Mindoro – 1,855
• Southern Quezon – 461
• Occidental Mindoro – 329
3. Western Visayas- 1,922
• Caticlan – 1,834
• Iloilo – 88
4. South Eastern Mindanao – 1,688
• Davao – 1,688
5. Bicol – 2,845
• Albay – 860
• Sorsogon – 1,683
• Masbate – 302
6. Northern Mindanao – 2,984
• Surigao – 710
• CDO – 113
• Ozamiz – 1,584
• Dapitan – 577
7. Eastern Visayas – 1,263
• Western Leyte – 21
• Eeastern Leyte – 200
• Western Samar – 1,042
8. Southern Visayas – 2,491
• Negros Oriental – 988
• Negros Occidental – 1,212
• Siquijor – 291
Patuloy naman ang mahigpit na paalala ng PCG sa mga bibiyahe na huwag magdadala ng mga patalim, armas, mga bagay na madaling masunog o posibleng pagmulan ng sunog.
Nagbabala rin ang ahensiya sa publiko na maging mapagmatyag sa kapaligiran lalo at madalas na puntirya ng mga masasamang loob ang mga matataong lugar tulad ng mga pantalan.