Umaapela si Congresswoman Gerville Luistro sa Department of Health (DOH) na bigyang pansin ang outbreak ng hand, foot and mouth disease o HFMD sa kanilang lalawigan ng Batangas.
Nababahala si Luistro dahil umaabot na sa 100 ang mga batang mag-aaral na tinatamaan ng naturang sakit sa Batangas sa loob lamang ng limang araw.
Nakalulungkot para kay Luistro na matapos ang dalawang taon na online classes ay sinabayan naman ng HFMD outbreak ang pagsisimula ng kanilang face-to-face classes.
Paliwanag ni Luistro, bagama’t hindi nakamamatay ang HFMD kumpara sa COVID-19 ay nakamamatay rin ang kumplikasyon nito at mabilis kumalat gaya ng nangyayari ngayon sa San Pascual, Batangas.
Facebook Comments