
Mas maraming manggagawa ang inaasahang makakabalik sa trabaho oras na ibababa na sa Alert Level 3 ang National Capital Region (NCR).
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, sa ilalim ng Alert Level 3 ay magiging 30% na ang indoor capacity habang 100% ang outdoor.
Bukod sa mapapalawak ang operating capacity, mawawala na rin ang distinction sa vaccinated at unvaccinated individuals sa ilalim ng Alert Level 1, 2 at 3.
“Sa Alert Level 3, yung indoor [activities] magiging 30%, walang distinction sa vaccinated at unvaccinated. Pati outdoor, 100%, so mas makakabalik ang karamihan ng mga trabahante,” pahayag ni Lopez.
Samantala, ayon sa kalihim, gumugulong na rin ang pag-uusap hinggil mungkahing buksan na rin ang gym kahit sa ilalim ng Alert Level 4.
“I think it’s even safer than dine-in, personal services kasi walang tanggalan ng masks, mas malalayo, 4 meters apart at individual activity ito,” dagdag niya.