Walang nakikitang problema ang Department of the Interior and Local Government (DILG) kung ibabalik ang taunang tradisyon ng pangangaroling sa National Capital Region (NCR) matapos itong ibaba sa Alert Level 2.
Kahapon, una nang sinabi ng ahensya na mas magiging masaya ang holiday season para sa mga residente ng NCR ngayong pinayagan na ang outdoor caroling.
Sabi ni DILG spokesperson Jonathan Malaya, kagaya rin ito ng videoke bars na pinayagan na ulit mag-operate sa ilalim ng Alert Level 2, bagama’t sa 50% capacity lamang muna at para sa mga parokyanong fully vaccinated.
Katwiran pa ni Malaya, hindi naman nakasaad sa regulasyong inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) na bawal ang pangangaroling sa ilalim ng Alert Level 2.
Matatandaang noong nakaraang taon, ipinagbawal ang pangangaroling para maiwasan ang pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa panahon ng Kapaskuhan.