Outdoor exercises, bawal na sa mga lugar na nakasailalim sa ECQ

Hindi na papayagan ang mga Outdoor exercises o pag-eehersisyo sa labas ng bahay kasabay ng nagpapatuloy na pagsailalim ng Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, sinabi ni MMDA chairman Benhur Abalos Jr. na nagpasa na sila ng resolusyon kaugnay dito.

Nilalaman nito ang mga alituntuning nagbibigay ng babala sa publiko upang maiwasan ang posibleng pagkahawa sa COVID-19.


Iiral ang ECQ sa buong Metro Manila hanggang sa ika-20 ng Agosto.

Facebook Comments