Outgoing AFP Chief-of-Staff Gen. Centino, nagpaalam na sa mga tauhan ng PN

Photo Courtesy: Philippine Navy Facebook Page

Nagpaalam na si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief-of-Staff General Andres Centino sa mga tauhan ng Philippine Navy (PN).

Ito ay kasabay ng pagbisita ni Centino sa headquarters ng Philippine Navy sa Naval Station Jose Andrada sa lungsod ng Maynila, kung saan siya binigyan ng “sideboys honors” sa kanyang pagdating.

Mainit namang tinanggap ni Philippine Navy Vice Commander Rear Admiral Caesar Bernard Valencia si Centino.


Sa kanyang “talk with the troops”, pinasalamatan ni Centino ang Philippine Navy sa pagiging isang propesyunal at disiplinadong organisasyon.

Pinuri rin ni Centino ang modernisasyon ng Philippine Navy lalo na ang paglahok nito sa Rim of the Pacific (RIMPAC) exercise sa Hawaii.

Si Centino ay nakatakdang magretiro sa Agosto 8 kung saan sya ay papalitan ni AFP Southern Luzon Command Commander Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro.

Facebook Comments