Nagpaalam na sa hanay ng Philippine National Police (PNP) si outgoing Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa isinagawang flag raising ceremony sa Camp Crame kanina.
Nagpasalamat ang kalihim sa mga pulis sa patuloy na pagtupad nang kanilang tungkulin sa kabila ng mga kritisismo kanilang natatangap.
Partikular na pinasalamatan ni Año ang mga naging Chief PNP sa panahon ng Duterte administration na kanyang nakatrabaho ito ay sina Retired General at ngayoy Senador Ronald “Bato” dela Rosa, retired General Oscar Albayalde, Archie Gamboa, Camilo Cascolan, Debold Sinas, Guillermo Eleazar, Dionardo Carlos at ngayon ay PNP Officer-In-Charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr.
Bilin ni Año sa mga pulis na suportahan ang bagong administrasyon at patuloy na gawin ang kanilang misyon nang mga mataas na morale at kredibilidad lalo na sa pagsasagaw ang kampanya kontra iligal na droga.
Si Año ay papalitan ni incoming DILG Secretary Benhur Abalos na itinalaga mismo ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa posisyon.