Iginawad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Order of Sikatuna with the Rank of Datu Silver Distinction si outgoing European Union Ambassador to the Philippines Luc Véron.
Ito ay para sa naging kontribusyon ng European Ambassador sa pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at European Union lalo na sa ekonomiya at kalakalan.
Sa farewell call sa Malacañang, pinuri ng pangulo ang naging pangangasiwa ni Veron sa high-level exchanges at cooperation agreements sa climate change, green economy, enerhiya, digital connectivity, at maritime cooperation.
Itinaguyod din aniya nito ang rule of law at rules-based international order, kontribusyon sa kapayapaan at pagpapaunlad ng mindanao partikular sa peace process at transition ng bangsamoro region.
Mahalaga umano ang kanyang naging papel sa pagbibigay ng humanitarian assistance sa Pilipinas sa panahon ng mga kalamidad at ng COVID-19 pandemic.