
Nagpaabot ng pasasalamat si outgoing Presidential Communications Office (PCO) Secretary Jay Ruiz kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa tiwalang ibinigay nito sa kanya kasunod ng pagtatapos ng kanyang panunungkulan sa ahensya.
Ayon kay Ruiz, mananatili siyang tagasuporta ng administrasyon lalo’t malaking karangalan ang pamunuan ang PCO sa halos limang buwan na nagsusulong ng bukas at responsableng komunikasyon para sa publiko
Personal ding nagpasalamat si Ruiz sa mga kawani ng PCO, sa mga taga-media para sa pagsuporta sa kanyang liderato.
Kasabay nito, sinabi ni Ruiz na kumpiyansa siyang lalo pang isusulong ni incoming PCO Secretary Dave Gomez ang ahensya.
Samantala, hindi pa nagbigay ng impormasyon ang PCO kung kailan opisyal na magsisimula si Gomez sa kaniyang tungkulin.
Magkakaroon muna ng one week transition sa pagitan ng liderato ni Ruiz at Gomez.









