Outgoing PNP Chief Dionardo Carlos, nanawagan ng suporta para sa uupong Officer-In-Charge ng organisasyon

Hiling ni outgoing Philippine National Police (PNP) Chief, P/Gen. Dionardo Carlos sa mahigit 225,000 nilang tauhan na ibigay ang 100 porsyentong suporta sa bago nilang Officer-In-Charge na si P/LtG. Vicente Danao Jr.

Ayon kay Carlos dapat na ibigay kay Danao ang kaparehong suporta at tiwala na ibinigay sa kaniya ng buong hanay ng PNP.

Aniya malaki ang paghanga niya kay Danao at mataas ang kanyang kumpyansa na magagawa nito ang bagong trabaho bilang PNP Officer in charge (OIC).


Giit naman ng outgoing PNP Chief, na hindi maaapektuhan ng kaniyang pagreretiro ang kasalukuyang ginagawa ng PNP na pagtiyak ng payapa, ligtas at tapat na eleksyon sa May 9.

Sa kabila ng pagkakatalaga bilang pansamantalang pinuno ng Pambansang Pulisya, nilinaw ni Carlos na mananatili pa rin si Danao sa kaniyang kasalukuyang posisyon bilang Deputy Chief PNP for Operations.

Samantala mamayang alas-4:00 hapon ay pormal nang magpapaalam si General Carlos sa PNP sa kanyang retirement ceremony sa Camp Crame.

Facebook Comments