Outgoing PNP Chief Eleazar, may hamon sa mga kadete ng PNPA bago ang kanyang pagreretiro ngayong araw

“Laging gawin ang pinakamahusay na magagawa nang hindi makokompromiso ang dangal at dignidad”.

Hamon ito ng magreretirong Philippine National Police (PNP) Chief na si Gen. Guillermo Eleazar sa mga kadete ng PNP Academy.

Kahapon, isang testimonial parade and review ang ibinigay ng mga kadete ng PNPA kay Eleazar sa Silang, Cavite na kanilang paraan ng pagpupugay at pasasalamat sa kanilang hepe.


Sa mensahe, sinabi ni Eleazar dapat panindigan ng mga kadete ang mataas na expectation sa kanila ng publiko at pagsumikapang maging karapat-dapat at kahanga-hangang mga pinuno sa hinaharap.

Ang mga aral na ito aniya ang nagsilbing gabay ni Eleazar sa kaniyang tatlong dekadang paglilingkod bilang pulis ng bayan hanggang sa siya ang mapiling mamuno sa PNP.

Ganap na alas-2:00 mamayang hapon, pormal nang isasalin ni Eleazar ang pamumuno sa PNP kay Lt. Gen. Dionardo Carlos na pangungunahan ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año bilang kinatawan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa seremonya sa Camp Crame.

Facebook Comments