Outgoing PNP Chief Marbil, hinihikayat ang buong kapulisan na suportahan si Incoming PNP Chief Torre

Taos pusong nagpapasalamat si outgoing Philippine National Police Chief General Rommel Francisco Marbil kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya na pamunuan ang Pambansang pulisya.

Nagpapasalamat din si Marbil sa sambayanang Pilipino, at hinikayat ang buong kapulisan na suportahan si incoming PNP Chief PMGen. Nicolas Torre III.

Ani Marbil, si Torre ay masipag, subok na, at may matatag na prinsipyo kung saan buo ang kanyang tiwala sa pamumuno ni Gen. Torre.

Kasunod nito, inaasahan ni Marbil na ipagpapatuloy ni Torre ang laban kontra-krimen at reporma sa PNP, kasabay ng pagtutok sa disiplina, ugnayan sa komunidad, at mahusay na imbestigasyon.

Binigyang-diin din ni Marbil ang kahalagahan ng pagkakaisa at propesyonalismo habang nagsisimula ang transisyon tungo sa “Bagong Pilipinas” agenda ng Marcos administration.

Samantala, nakatakda namang gawin ang Change of Command Ceremony at Retirement Honors para kay Marbil sa Hunyo 2, araw ng Lunes.

Facebook Comments