Outgoing PNP chief, nagpasalamat sa lahat ng mga tumulong at nakatrabaho niya sa Pambansang Pulisya

Nagpa-abot ng taos-pusong pasasalamat si outgoing Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge PLt. Gen. Vicente Danao Jr., sa lahat ng tumulong at naging parte ng tatlong buwan niyang panunungkulan sa Pambansang Pulisya.

Sa statement ni Danao, sinabi nitong hindi makakamit ang long lasting peace and order situation sa bansa kung wala ang kooperasyon ng bawat isa.

Nagpasalamat din ang opisyal sa 226,000 PNP uniformed and non-uniformed personnel sa kanilang dedikasyon sa kanilang tungkulin.


Partikular na tinukoy ni Danao ang naging matagumpay na pagsasagawa ng National and Local Elections, inauguration ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., gayundin ang kaniyang kauna-unahang State of the Nation Address.

Kasunod nito, hinihikayat ni Gen. Danao ang hanay ng PNP na ibigay ang buong suporta sa bagong talagang PNP chief na si Police General Rodolfo Azurin Jr.

Mamayang alas-3:00 ng hapon, isasagawa ang arrival honors at ang panunumpa sa pwesto ni incoming PNP Chief Azurin.

Facebook Comments