Outgoing Secretary Bernie Cruz, ‘di sang-ayon sa PCCI na amyendahan ang Agrarian Reform Law

Naniniwala si Outgoing Agrarian Reform Secretary Bernie Cruz na hindi sagot ang pag-amyenda sa Comprehensive Agrarian Reform Program Law (CARP) para maging mas produktibo ang mga magsasaka.

Reaksyon ito ni Cruz sa pahayag ni Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) President George Barcelon na dapat amyendahan ang CARP law para mapaluwag ang panuntunan sa land consolidation at ownership.

Ani cruz sa ilalim ng CARP, naggawad ang DAR ng mga collective land titles na tinatawag na Collective Certificate of Land Ownership Award (CCLOA).


Pero, hindi umano umuunlad ang mga magsasaka sa kanilang pinagsama-samang lupain.

Hindi umano pinoprotektahan ng CCLOA ang mga karapatan sa ari-arian ng mga magsasaka dahil wala silang sariling titulo na kanilang pinanghahawakan at nag-aaway sila kung ano ang itatanim.

Dahil dito, inatasan umano sila ni Pangulong Duterte na hati-hatiin ang mga pag-aari na ito.

Facebook Comments