Outgoing senators, nagsisimula ng mag-impake

Nagsisimulang ng mag-impake ang ilang senador na tapos na ang termino sa June 30 at ang ilang hindi nanalo sa nakalipas na eleksyon.

Kabilang dito sina Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon, Senator Kiko Pangilinan at Senator Panfilo “Ping” Lacson.

Sina Senate President Sotto at Lacson, hindi naman mabigat ang kanilang dibdib sa pag- iimpake.


Si Sotto, relax at standby muna siya pero maaring may simulan daw siyang advocacy na magiging kontrobersyal pero ayaw muna nyang ihayag kung ano.

Sense of fulfillment naman ang nararamdaman ni Senator Lacson dahil sa loob ng 18 taon ay napanatili niya ang kanyang integridad habang seryosong ginagampanan ang kanyang tunkulin.

Pero aminado si Lacson na naging emosyonal siya ng kausapin ang kanyang mga staff.

Wala ring lungkot na nararamdaman sa pag-aalsa balutan si Senator Recto na nagsabing puno siya ng pasasalamat dahil nabigyan sya ng pagkakataon na makapagsilbi sa sambayanang Filipino bilang bahagi ng 18th Congress.

Samantala, sinabi naman ng staff nina Senator Gordon at Pangilinan na patuloy ang pag- iimpake nila sa mga gamit ng mga ito kanilang tanggapan sa Senado.

Facebook Comments