Thursday, January 29, 2026

Outgoing Senate Secretary Renato Bantug Jr., binigyang pagkilala at pinasalamatan ng Senado

Naging emosyonal si outgoing Senate Secretary Renato Bantug Jr. matapos na aprubahan ng Senado ang Senate Resolution no. 262 na nagbibigay pagkilala at pasasalamat sa kanyang mga natatanging nagawa at kontribusyon sa mataas na kapulungan.

Inisponsoran ni Senate Majority Leader Migz Zubiri ang resolusyon kung saan idinetalye nito ang panahon na nagsilbi sa Senado si Bantug.

Nagsimula aniya si Bantug noong 1995 bilang staff ni dating Senate President Franklin Drilon hanggang sa naging Chief of Staff ni Drilon sa 16th at 17th Congress at Senate Secretary mula 19th hanggang ngayong 20th Congress.

Binigyang-diin ni Zubiri na malaki ang naitulong ni Bantug sa pagtiyak na ang Senado ay tumatalima salig sa rules, order at sa Konstitusyon na nakatulong para mapanatili ang kredibilidad ng mataas na kapulungan sa kabila ng mga pagbatikos.

Kasama rin sa mga senador na tumayo sa plenaryo at nagpasalamat kay Bantug ay sina Senator Joel Villanueva, Senator Win Gatchalian, Senator Loren Legarda, Senator Robinhood Padilla, Senator Jinggoy Estrada, Senator Bam Aquino at Senator Risa Hontiveros.

Matunog naman na papalit sa pagreretiro ni Bantug si dating House Secretary General Mark Llandro “Dong” Mendoza.

Facebook Comments