Outgoing US Ambassador to China, sinisi ang Beijing sa paglala ng COVID-19

Sinisisi ngayon ni Terry Branstad, ang outgoing United States Ambassador to China, ang Beijing dahil sa paglaganap ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa iba’t ibang bansa.

Ayon kay Brandstad, sumasang-ayon siya sa naging pahayag ni US President Donald Trump na ang bansang China ang dahilan kung bakit nagkaroon ng worldwide pandemic.

Iginiit ni Branstad na nagkaroon ng mali sa sistema ng China sa paghawak sa COVID-19, kung saan sinabi nito na nagkaroon ng cover-up at pinapatawan ng parusa ang mga doktor na naglalabas ng ulat hinggil dito sa simula pa lamang.


Kung agad na umaksyon ang China ay hindi na sana kumalat ang virus sa buong mundo.

Isa rin sa dahilan kung bakit bumaba sa pwesto si Branstad ay ang lumalalang tensyon sa pagitan ng bansang Amerika at China.

Facebook Comments