OVER AGE | Proklamasyon ng tinatayang 1,000 kandidatong nanalo sa Barangay at SK Elections, sususpendihin ng COMELEC

Manila, Philippines – Sususpendihin ng Commission on Election (COMELEC) ang proklamasyon ng tinatayang 1,000 kandidatong nanalo sa Barangay at SK Elections.

Paliwanag ni COMELEC OIC Chairman Al Parreño, batay kasi sa kanilang validation lumalabas na ilan sa mga tumakbo ay over age na habang ang iba naman ay hindi rehistradong botante.

Aniya, hahainan nila ng criminal charges ang mga ito para mapanagot at magsilbing leksyon na hindi tama ang ginawa nilang panloloko sa taumbayan.


Sabi pa ni Parreño, hindi nila hahayan na makaupo sa pwesto ang mga kandidato na hindi naging totoo noong filing pa lamang ng COC.

Aniya, ang ipapalit nila sa mga ito ay yung mga kandidato na pumangalawa sa may pinakamataas na boto.

Facebook Comments