Over Loading at Over Speeding ng mga Traysikel, Mahigpit na Babantayan sa Pasukan!

Naguilian, Isabela – Mahigpit na babantayan ng kapulisan ang mga pampasaherong traysikel sa bayan ng Naguilian sa darating pasukan.

Ayon kay Police Senior Inspector Francisco M. Dayag, hepe ng Naguilian Police Station, nagsagawa na ng pulong ang pamunuan nito sa lahat ng miyembro ng toda at tinalakay ang mga batas trapiko lalo na ang over loading, over speeding at mga maiingay na tambutso.

Kabilang din umano na tinalakay ang isasagawang paghuli sa mga lalabag o hindi susunod sa batas trapiko at ito ay puspusan nang ipapatupad sa araw ng lunes.


Sinabi pa ni Senior Inspector Dayag na lima lamang ang kapasidad ng bawat traysikel at naitaas na ang pamasahe kung kayat wala na umanong rason ang mga drayber na mag-over loading.

Maglalagay din umano ng isang Police Assistance Desk sa mga paaralan na nasa national highway upang matiyak ang daloy ng trapiko at kaligtasan ng mga estudyante sa pasukan.

Facebook Comments