Over View Area sa Datu Odin Sinsuat pinasabugan ng IED

Malaki ang paniniwala ng mga otoridad na maaring pananakot lamang ang motibo sa nangyaring pagsabog sa KM 12, Datu Odin Sinsuat Maguindanao pasado alas otso kagabi.
Sinasabi may sangkap na mga concrete nails ang Improvised Explosive Device na sumabog sa Over View Area base na rin sa narecover ng EOD TEAM ayon pa kay Police Captain Paisal Macmod, Deputy Chief of Police ng Datu Odin Sinsuat , sa panayam ng DXMY ngayong umaga.
Bagaman nagdulot ng takot ang malakas na pagsabog, wala namang may nasaktan sa pangyayari.
Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa kung sino ang may kagagawan ng pagpapasabog ng IED.
Iginiit naman ng mga ototridad na walang dapat ipangamba . Ang Over View Area sa DOS ay isa sa dinarayo ng publiko para makapagrelax at makapagselfie. Paborito rin itong dayuhin ng mga Bikers at mga Motorcycle Riders maging mga Joggers.
CCTO PIC

Facebook Comments