MANILA – Sa kabila ng ilang mga insidente ng karahasan, naging mapayapa sa pangkalahatan ang ginanap na eleksyon, kahapon.Ito ang overall assessment ng PNP at AFP base sa monitoring sa halos 92,000 polling precints sa buong bansa.Sa joint press briefing, sinabi nina PNP National Election Monitoring Action Center (NEMAC) Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor at AFP National Election Monitoring Center (AFP-NEMC) Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla na naging mapayapa sa pangkalahatan ang pagdaraos ng eleksyon mula alas- 6 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.Maliban na lamang sa ilang isolated case gaya ng problema sa mga Vote Counting Machines (VCMs) partikular sa Ilocos Region, panununog sa mga polling centers, pagpapasabog sa bahagi ng ARMM at iba pang insidente ng pamamaril.Samantala, pumalo na sa isandaan at animpung (160) insidente na may kinalaman sa eleksyon ang naitala ng PNP.Sa datos na ito, dalawampu’t siyam rito ang na-validate na ng PNP kung saan animnapu’t walo (68) katao ang naging biktima kasama na ang labing lima (16) na nasawi.Umabot naman sa mahigit apat na libong indibidwal ang naaresto dahil sa umiiral na election gunban na ipinatupad ng Comelec.
Overall Assessment Ng Philippine National Police (Pnp) At Armed Forces Of The Philippines (Afp) Sa Ginanap Na Eleksyon,
Facebook Comments