Overall Deputy Ombudsman Carandang, binuweltahan ni SOJ Aguirre matapos sabihing may hawak na silang kopya ng bank records ni P-Duterte

Manila, Philippines – Inupakan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang aniya ay premature na pag-anunsyo ni Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang na may mga hawak na silang kopya ng bank records ni Pangulong Duterte at ng pamilya nito.

Sinabi ni Aguirre na dapat confidential ang anomang imbestigasyon ng Ombudsman at hindi ito dapat inilalabas hanggat hindi natatapos ang kabuuang proseso.

Una nang kinumpirma ni Carandang na halos pareho ang hawak nilang dokumento mula sa Anti-Money Laundering Council sa bank records na hawak ni Senator Antonio Trillanes IV.


Ayon kay Carandang, batay sa mga dokumento mula sa AMLC, may P1-Billion na halaga ng transaksyon ang pamilya Duterte sa ibat-ibang bangko sa pagitan ng taong 2006 hanggang 2016.

Itinanggi na rin ng AMLC na nag-isyu sila sa Ombudsman ng bank records ng Pangulong Duterte.

Facebook Comments