Hindi masiyadong nag-aalala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa tumataas na inflation rates.
Ayon sa pangulo, mas maganda pa rin ang inflation forecast ng Pilipinas kumpara sa ibang mga bansa.
Ayon sa pangulo, batay sa update ng Asian Development Outlook 2022, aasahan na tatas sa 5.3 percent ngayong taon ang inflation rate habang 4.3 percent naman sa susunod na taon.
Kung ikukumpara aniya sa mga bansa sa Southeast Asia batay sa ADB Forecast 2022, ang inflation sa Lao People’s Democratic Republic ay tataas hanggang 17 percent, Myanmar 16 percent, at Timor-Leste na 7.4 percent.
Sa kasalukuyan, umaasa naman ang Regional Development Bank na tataas ang Gross Domestic Product ng bansa na aabot sa 6.5 percent sa 2022 at 6.3 percent sa taong 2023.
Una nang sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Director-General and Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na kanilang projection, nananatiling on tract ang bansa sa target nitong economic growth hanggang sa pagtatapos ng taon at maging sa susunod na taon.