
Tumaas ng 1.7 percent ang overall inflation rate ng bansa ngayong Setyembre mula sa 1.5 percent rate nito noong Agosto ngayong taon.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang inflation rate o pagtaas ng presyo ng produkto at serbisyo sa bansa ay sanhi ng annual na pagtaas ng transport index na nasa 1.0 percent nitong Setyembre mula sa 0.3 percent noong nakaraang buwan.
Bukod dito, isa rin sa nag-ambag sa pag-akyat ng inflation rate ay ang mataas na annual increment ng food and non-alcoholic beverages index na ngayon ay nasa 1.0 percent mula sa 0.9 percent noong buwan ng Agosto.
Dagdag pa rito, isa pa sa sanhi ng pagtaas ng inflation rate ay ang pagtaas ng 2.4 percent ngayong buwan mula sa 2.3 percent noong buwan ng Agosto para sa mga restaurant at accommodating services.









