
Bababa ang transmission rates ngayong buwan ng Enero.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, asahan na ng mga consumers ang pagbaba ng kanilang electric bills ngayong unang buwan ng Enero.
Sinabi ng NGCP na nasa 0.68 percent ang ibababa ng transmission rate o nasa P1.3455/kWh mula sa dating P1.3547/kWh.
Ang ancillary services (AS) rate naman ay nasa P0.5971/kWh.
Ang ancillary services rates ay tumutukoy sa mga pass-through costs mula sa reserve market at mga provider na may kontrata sa NGCP.
Ang transmission wheeling rates naman o ang singil para sa pangunahing serbisyo nitong paghahatid ng kuryente ay nasa P0.6058/kWh.
Facebook Comments










