Overcapacity sa NKTI, naitala dahil sa kaso ng leptospirosis

Ginawa ng ward ang gymnasium ng National Kidney Transplant Institute (NKTI) dahil sa dami ng mga pasyenteng tinaan ng leptospirosis.

Nagkaroon ng overcapacity sa NKTI sa kaso leptospirosis kasunod ng mga tumamang bagyo at habagat noong buwan ng Hulyo.

Lumala ang sitwasyon sa Quezon City, na nakapagtala ng 207 na kaso ng nakamamatay na sakit.

Umabot na sa 24 ang namatay sa Quezon City, 13 dito ang na-confine sa NKTI dahil sa naturang sakit mula Enero hanggang Agosto 3.

Sa ngayon, nasa kabuuang 52 na ang namatay dahil sa leptospirosis base na rin sa datos mula sa Department of Health o DOH.

Facebook Comments